Sabado, Hulyo 23, 2011

Ang Aking Minamahal na Hagonoy

      Bukambibig ko lagi sa aking mga kaklase sa aming school ang salitang HAGONOY :) Ewan ko ba kung anong meron sa salitang iyon pero kahit kelan di to mawala sa isipan ko! Gustong gusto ko sa Hagonoy ang kanyang mayamang kultura at tradisyon :)) Minsan nga lesson namin sa EP ang Pagpapahalaga sa bansa, syempre kasama nung salitang yung yung mga dialects ng iba't ibang lugar sa Pinas, lalo na ang Tagalog. Sabi nung teacher namin na merong iba't ibang accent ang pagtatagalog. Gaya na nga lang daw ng Tagalog sa upper part ng Bulacan at sa lower part kung saan nandun ang Hagonoy :)) Agree ako dahil alam ko na totoo yun. Talagang may accent ang mga tga Hagonoy :)) Kaya nga tayo merong Makata Tawanan eh!

Si Makata ay sumikat sa TV5 sa programang Talentadong Pinoy Ü

Isa pa kung bakit nagustuhan ko ang Hagonoy ay marahil siguro, dito na ako pinanganak, nakasanayan ko na lahat ng mga gawi ng tga dito. Dito din galing ang aking ama. Halos lahat ata ng kamag anak ko sa Hagonoy ay kilalang kilala ko! hehe 

Syempre di natin makakaila na religious ang mga tga Hagonoy :)) Kaya nga meron tayong pinagpipitagang paaralang sa bayan eh, halos lahat ng  baranggay sa Hagonoy ay merong simbahahan at kaya nga naging National Shrine ang Parokya ni Sta. Ana dahil sa matibay na debosyon at pagmamahal natin sa kanya :))

Sa darating na July 26 (di ako sigurado) sa tingin ko ay idaraos ang fiesta ng Bayang Hagonoy  at ang patrona'y si Sta. Ana.

Ilan lamang ang mga larawan na natuklasan ko habang ako ay naghahalungkat sa internet about Hagonoy:
Iyan ang lumang simbahan ng Bayan ng Hagonoy ewan ko lang kung anong taon.
At eto ang itsura ng simbahan ngayon:
NICE di ba? 
Sa darating na fiesta tyak may prusisyon, at kung ano ano pa, Eto pa ang iba pang pictures from the past ;


Yan lang aking blog. Maraming salamat sa pagbasa, Muli, Maligayang kapistahan APO ANA :))




©Photo Credits: Mr. Elmer Reyes :)) Salamat po
©2011



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento